Apat na indibidwal ang nasawi sa naganap na pamamaril sa Rex, Georgia, Clayton County sa Atlanta.
Ayon kay Clayton County Police Chief Kevin Roberts, kabilang sa mga nasawi ang dalawang babae, isang pulis, at ang suspek.
Sugatan naman ang isang 12-anyos na lalaki at isa pang pulis.
Batay sa ulat, nagkapalitan ng putok ang mga pulis at suspek na ikinasawi nito.
Wala nang inilabas na iba pang detalye ang mga pulis hinggil sa pamamaril ngunit patuloy ang kanilang imbestigasyon dito. —sa panulat ni Hya Ludivico