Patay ang isang dating alkalde at pinsan nito gayundin ang isang councilor at barangay chairman sa panibagong magkakahiwalay na insidente ng pamamaril sa Negros Oriental.
Kinilala ang mga biktima na sina Edsel Enardecido, dating alkalde ng bayan ng Ayungon, pinsan nitong si Leo, city councilor ng Canlaon na si Bobby Jalandoni at Panubigan, Canlaon barangay chairman Ernesto Posadas.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, pasado 12:14 ng hating gabi nang pasukin ng mga hindi pa nakikilalang mga armadong lalaki ang mga tahanan nina Barangay Chairman Posadas at Councilor Jalanadoni at pagbabarilin ang mga ito.
Matapos naman ang dalawang oras, pinasok din ng mga armadong kalalakihan ang tahanan ng pamilya Enardecido sa Barangay Tampocon 1, bayan ng Ayungon at pinagbabaril ang dating alkalde at pinsang si Leo.
Kasunod ng naitalang panibagong shooting incident, pumalo na sa 11 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa buong Negros Oriental sa loob lamang ng anim na araw.