Patay ang 4 na indibidwal na sakay ng isang Business jet sa Southern California.
Ayon sa Federal Aviation Administration, lumilipad palabas ng John Wayne Airport ang Lear Jet 35 sakay ang nabanggit na bilang ng mga pasahero nang bumagsak ito sa isang linya ng kuryente at sumabog sa isang residential area malapit sa bahagi ng Gillespie field.
Dahil sa aksidente, isang bahay ang nasira habang nawalan naman ng kuryente ang ilang mga bahay sa lugar.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad upang alamin ang pinaka dahilan ng pagbagsak ng naturang eroplano. —sa panulat ni Angelica Doctolero