Patay ang apat katao kabilang ang tatlong batang may edad apat, pito at siyam na taong gulang sa naganap na sunog sa isang residential area sa Agoo, La Union.
Ayon kay Agoo Arson Investigator SFO1 Israel Isobredo, nagsimula ang sunog pasado alas-7:00 ng umaga kahapon at naideklarang under control dakong alas-8:30.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, nag-umpisa ang sunog sa ikalawang palapag ng gusali kung saan natagpuan ang katawan ng mga biktima.
Aniya, nakita ang labi ng apat na taong gulang na bata sa kuwarto habang natagpuan naman sa CR ang tatlo pang biktima.
Sinabi ni Isobredo, posible na trap sa sunod ang apat na biktima dahil may harang na grills ang mga bintana sa gusali.
—-