Patay ang apat na manggagawa habang tatlo ang sugatan matapos masunog ang isang pabrika ng rice cracker sa Japan.
Ayon sa mga otoridad, nasa 30 katao ang on-site nang sumiklab ang sunog sa pasilidad sa Hilagang Niigata Prefecture.
Habang patuloy pang pinaghahanap ang dalawa pang manggagawang nawawalasa nasabing pabrika.
Agad namang sinugod sa pinakamalapit na pagamutan ang mga sugatan upang malapatan ng lunas.
Sa ngayon, patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing sunog. —sa panulat ni Kim Gomez