Natagpuang patay ang apat na estudyante ng University of Idaho sa isang bahay na malapit sa campus sa Washington.
Kinilala ang mga biktima na sina Ethan Chapin, 20-taong gulang, Madison Mogen, 21-taong gulang, at Xana Kernodle, 20-taong gulang.
Ayon sa awtoridad, homicides ang naging dahilan ng pagkasawi ng mga biktima.
Kaugnay dito, naabisuhan na ang mga pamilya ng mga nasabing estudyante habang nakikipagtulungan na ang unibersidad sa imbestigasyon ng pulisya.
Bukod pa rito, hiniling ng pulisya ng Moscow na makipag-ugnayan sa kanilang departamento ang sinumang may impormasyon hinggil sa pagkasawi ng apat na estudyante.—mula sa panulat ni Jenn Patrolla