Sinibak sa pwesto ang 4 na opisyal ng Philippine Coast Guard (PCG) at 2 opisyal ng Maritime Industry Authority (MARINA) kasunod ng aksidente sa Iloilo strait na ikinasa ng 31 katao.
Kinilala ang mga opisyal na sina Cmdr. Perlita Cinco at Cmdr. Joe Luviz Mercurio na mga coast guard station commanders sa Iloilo at Guimaras.
Ayon kay Transportation Sec. Arthur Tugade, tinanggal ang mga opisyal habang iniimbestigahan ang paglubog ng Chi-Chi, Keziah at Jenny Vince sa karagatang sakop ng Iloilo at Guimaras noong August 3.
Nagtungo na rin aniya sila sa mga kaanak ng mga nasawi na nakaburol sa provincial gymnasium sa Guimaras.