Pasok na sa round of 16 ng 2021 US Open Pool Championship ang apat na Pinoy Billiard Players.
Kabilang dito sina Dennis Orcollo, Johann Chua, Carlo Biado at Rodrigo Geronimo.
Pinakahuling tinalo ni Orcollo si Hungarian Pool Player Oliver Szolnoki para makakuha ng slot at susunod na makakasagupa ang pambato ng Austria na si Mario He.
Hindi naman pinaubra ni Chua ang polish na si Miezko Fortunski at susunod na target mapatumba si Canadian Player John Mora.
Samantala, nasa losers bracket naman sina Biado at Geronimo.
Magugunitang wagi si Efren Bata Reyes sa 1994 US Open matapos talunin si American Pool Player Nick Varner.