Apat na Filipino seafarers ang nasakote sa pagdadala umano ng 416 kilos ng cocaine sa Australia.
Kinilala ng Australian authorities ang mga Pinoy na sina Ian Gelan Dizon, Alcris Dente Mabini, Mark Torrenueva Enriquez at Angelito Devalaque Balansag.
Kinumpirma naman ng Department of Foreign Affairs na kabilang ang apat na Pinoy sa crew ng cyprus-flagged bulker vessel na Kypros Bravery na dumaong sa Adelaide City.
Nakausap na rin ng Philippine Consulate General sa Melbourne ang mga nasabing tripulante na kasalukuyang nakapiit at nasa maayos na kalagayan.
Dumalo na rin sa hearing sa port Adelaide Magistrates court noong Abril 1 ang mga Filipino crew.
Nahuli ang apat na tripulante na nagtatapon umano ng mga bloke ng cocaine sa karagatan ng South Australia noong Marso 15.
Nagkakahalaga ng 166 million dollars ang mga nasabat na cocaine, na pinaka-malaking bulto ng ilegal na drogang nakumpiska sa South Australia.