Pasok ang apat na Pilipino sa 30 Under Asia list ng Forbes magazine.
Sa naturang listahan, kinikilala ang mga outstanding entrepreneurs at innovators sa Asya na may edad tatlumpu (30) pababa.
Ang 30 honorees sa taong ito ay mula sa larangan ng arts, entertainment and sports, finance and venture capital, media, marketing and advertising, retail and e-commerce, enterprise technology, industry, manufacturing and energy, healthcare and science, social entrepreneurs at consumer technology.
Kasama sa listahan sina Earl Patrick Forlales at Zahra Halabisaz Zanjani na co-founders ng Cubo na nagdi-disenyo at gumagawa ng bamboo houses o bahay kubo.
Pasok din sa listahan ang 28-anyos na si Georginna Carlos, Founder at CEO ng Fetch Naturals na isang pet care brand na gumagamit ng natural ingredients sa kanilang produkto.
Ang ika-apat ay ang 29-anyos na si Kenn Costales na Founder at CEO ng Monolith Growth Ventures na isang performance marketing firm na itinatag noong 2016.
Napasama sa listahan ngayong taon ang mga honoree mula sa dalawampu’t tatlong (23) bansa sa Asia Pacific Region at pinakamarami ay mula Sa china na nasa 61, India-59, Japan-30 at South Korea-28.
—-