Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Foreign Affairs o DFA sa pamilya ng apat na mga Pilipinong nasawi sa magkahiwalay na aksidente sa Saudia Arabia at Canada.
Ayon kay Philippine Consulate General in Jeddah Edgar Badajos, dalawang Filipino workers ang nasawi habang tatlong kasamahan nito ang sugatan nang bumangga sa isang van ang SUV na sinasakyan ng mga ito.
Aniya, bibili lamang sana ng pagkain ang mga nasabing Filipino workers para sa pagdiriwang ng Eid’l Ftr nang maganap ang aksidente sa Southern Western City ng Jizan noong Hunyo 13.
Samantala, batay sa ulat ni Philippine Consulate General in Calgary Gilberto Asoque, isang mag-asawang Pilipino ang nasawi habang sugatan ang tatlong anak ng mga ito matapos sumalpok ang kanilang sasakyan sa isang overpass sa bahagi ng Lethbridge, Alberta Canada.
Kasabay nito, tiniyak naman ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang tulong sa pamilya ng mga nasawing Overseas Filipino Workers.
—-