Sinuspinde ng Department of Transportation (DOTr) ang apat na mga pribadong emission testing centers.
Sinabi ng ahensya na naipataw ang suspensyon dahil sa Investigation Security and Law Enforcement Staff (ISLES), na siyang naglabas ng paunang suspensyon dahil sa pamemeke nito ng resulta ng emission testing.
Ang mga testing centers na pinatawan ng suspensyon ay ang mga sumusunod:
- Visayas Emission Test Center sa Carcar City at Mandaue City sa Cebu
- Alicor Emission Test Center Co. Inc. sa San Fernado City sa Pampanga
- Estar Emission Test Center sa Paniqui sa Tarlac.
Magiging epektibo ang ipinataw na suspensyon ng DOTr sa loob ng 90 araw.
Samantala, babala pa ng DOTr sa mga IT service provider na maaari silang patawan ng parusa, oras na magpatuloy ang mga ito sa pagproseso ng ilang mga datos mula sa apat na mga suspendidong emission centers.