Bibisitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang apat na miyembro ng PSG o Presidential Security Group na nasugatan sa engkwentro ng NPA sa Aracan, North Cotabato kahapon.
Sinabi ni PSG Commander Brig. General Lope Dagoy na nais ng Pangulo na kumustahin ang mga nasugatang PSG member para alamin ang kanilang karanasan sa engkwentro sa NPA.
Ipinabatid ni Dagoy na nailipat na sa Davao City ang mga nasugatang miyembro ng PSG mula sa Cagayan de Oro City at pawang nasa maayos na ang kalagayan.
By Meann Tanbio | ulat ni Aileen Taliping (Patrol 23)
4 PSG members na nasugatan sa ambush bibisitahin ng Pangulo was last modified: July 20th, 2017 by DWIZ 882