Apat na pulis ang posibleng masibak sa serbisyo dahil sa pangingikil ng P10,000 sa isang negosyante sa Santa Ana, Maynila.
Kinilala ang mga “kotong cop” na sina Police Officer 2 Rodel Coronel; Police Officers 1 Errold Garcia, Kenneth Campos at Peter John Galit.
Ayon sa biktimang si Mark Anthony Tan, lulan siya ng motorsiklo nang pababain siya sa Gabby’s Street ng mga pulis na nakasakay naman sa patrol car, dakong alas-3:00 ng hapon noong linggo dahil sa hindi pagsusuot ng helmet.
Nag-alok na lamang si Tan ng P200 na bayad para sa kanyang violation subalit hindi ito tinanggap at nang halughugin na ang kanyang mga dala ay nakita ng apat na “scalawag” ang P50,000 pesos na cash.
Dahil dito, P10,000 ang hinihingi ng 4 mula sa biktima na binantaang babarilin kung hindi mag-aabot ng pera.
By Drew Nacino