Inatasan na ni Philippine National Police (PNP) chief P/Gen. Archie Gamboa si Police Regional Office 10 Director P/BGen. Rolando Anduyan na tiyaking naihahatid ang mga tulong sa kanilang sugatang tauhan.
Ito’y makaraang mabiktima ng pag-atake ng hinihinalang New People’s Army (NPA) ang nasa apat na pulis habang nagbabantay sa isang checkpoint sa barangay Putongan, Concepcion, Misamis Occidental nitong Huwebes, Hulyo 9.
Kinilala ni Anduyan ang mga sugatang pulis na sina P/SSgt. Larry Millan, P/Cpl. Marvin Inton, P/Cpl. Leo Gumisad, at Pat. Ritchel Tañola, habang patay naman ang isang rebelde pero hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan nito.
Agad naman nagkasa ng hot pursuit operations ang mga tauhan ng Philippine Army at 1st Provincial Mobile Force Company ng Misamis Occidental PNP.
Nasa ligtas nang kalagayan ngayon ang apat na sugatang pulis matapos isugod sa mga opistal ng concepcion at Ozamiz City sa nabanggit na lalawigan.