Ipatutupad na sa susunod na buwan ng Department of Agriculture (DA) ang apat na classification ng bigas.
Kabilang sa mga classification ng bigas, ayon kay DA Secretary Manny Piñol ay regular milled, well milled, whole grain at special rice.
Naniniwala si Piñol na sa pamamagitan nito ay maiiwasan na ang panloloko ng retailers sa mamimili na nag aakalang ispesyal ang binibili nilang bigas.
Ang regular milled rice ay mabibili sa P38 kada kilo, P40 hanggang P42 naman kada kilo ang well milled rice at P44 naman ang whole grains head rice samantalang dedepende naman sa uri ng special rice ang magiging presyo nito.