Liyamado sa halalan ang mga kandidatong may layuning ipagpatuloy ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps at iba pang pinaka-suportadong adbokasiya.
Base sa SWS survey noong pebrero, 80 percent ng mga filipinong botante ang nagsabing posible nilang iboto ang kandidato na magpapatuloy sa 4Ps; 9 percent ang nagsasabing hindi habang 12 percent ang nagsabing hindi sila apektado.
Lumabas din sa SWS survey na 66 percent ng mga respondent ang posibleng bumoto sa mga kandidatong magsusulong ng full implementation ng reproductive health law; 19 percent ang hindi boboto sa mga naturang candidate habang 16 percent ang hindi apektado.
Ikatlo naman sa pinaka-suportadong adbokasiya ang pagsasabatas ng freedom of information kung saan 62 percent ng mga respondent ang nagsabing iboboto nila ang sinumang susuporta sa nabanggit na panukala; 17 percent ang hindi at 21 percent ang hindi apektado.
Gayunman, sa tatlong nabanggit na pinaka-mahalagang adbokasiya ay hindi proportion o may margin of error ang resulta ng survey hinggil sa 4Ps dahil sa sobrang isang porsyento sa kalkulasyon.
By: Drew Nacino