Apat sa anim na probinsya sa Eastern Visayas ang hindi na nakakapagtala ng kaso ng COVID-19.
Ayon sa Department of Health (DOH), wala nang aktibong kaso ng COVID-19 sa Eastern Samar, Northern Samar, Samar, at Biliran.
Nakapagtala naman ng COVID-19 infections ang Leyte, na may apat na kaso, Southern Leyte na may siyam na kaso.
Sa pitong siyudad naman sa rehiyon, tanging ang Tacloban ang mayroong kaso ng COVID-19, kung saan dalawa ang naitala na ikinukunsiderang ”mild” cases.
Sa kabila ng pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon, patuloy na pinapaalalahanan ng ahensya ang publiko na panatilihin ang pagsunod sa health protocols at magpabakuna na bilang proteksyon sa virus.