Patay ang apat sa walong mga pulis habang 263 naman ang sugatan matapos makasagupa ng mga awtoridad ang mga miyembro ng Radical Islamist Party sa Punjab, Pakistan.
Sa impormasyong nakuha ng mga awtoridad, nagpoprotesta ang nabanggit na partido bilang suporta matapos ipinagbawal ang Islamist Political Party na Tehreek-I-Labbaik sa lahore ng nabanggit na bansa.
Dito na nag-udyok ang Imran Khan Government na magtalaga ng mga rangers o magbabantay para mamintena at maipatupad ang iba pang batas sa lalawigan sa loob ng dalawang buwan.
Layunin kasi ng mga awtoridad na maiwasan ang pagsasagawa ng kilos protesta o panggugulo ng mga teroristang grupo.
Sa ngayon ang mga nagkilos-protesta sa lugar ang itinuturong salarin sa naganap na pamamaril-patay sa mga pulis na sinasabing nagmula ang mga bala sa isang helicopter. —sa panulat ni Angelica Doctolero