Dinapuan ng COVID-19 ang apat sa mga taong nag-swimming sa gubat sa ciudad resort sa lungsod ng Caloocan sa gitna ng umiiral na mahigpit na community quarantine dahil sa banta ng COVID-19.
Sa isang pahayag, sinabi ni Caloocan City Administrator Oliver Hernandez na ang mga nagpositibo sa COVID-19 ay pawang nagpakita ng mild symptoms.
Mababatid na ang isa rito ay menor de edad.
Paliwanag ni Hernandez na isinasagawa ang contact tracing aabot sa 200 kataong nagpunta sa naturang resort kahit pa ipinagbabawal ito dahil sa umiiral na restriksyon.