Apat (4) sa mga nangungunang sakit na sanhi ng kamatayan sa Pilipinas ay konektado sa air pollution.
Ayon ito kay Dr. Virgilio Lazaga, Medical Director ng Coalition of Clean Air Advocates.
Tinukoy ni Dr. Lazaga ang iba’t-ibang uri ng sakit sa puso, mga sakit sa ating vascular system, cancer at sakit sa baga.
Nangunguna naman aniya ang mga respiratory diseases sa mga dahilan ng pagkaka-ospital ng maraming Pilipino.
Batay sa datos ng koalisyon, nasa 145 micrograms per cubic meter ang total suspended particulate sa Metro Manila o dumi ng hangin samantalang ang katanggap tanggap lamang na puwedeng malanghap ng tao ay nasa 90 micrograms per cubic meter.
Una nang kinasuhan ng koalisyon ang LTO at Department of Trade and Industry (DTI) dahil sa pagpapabaya sa kanilang tungkulin na ipatupad ang Clean Air Act.
Sinabi ni Dr. Lazaga na nag-iikot sila sa lahat ng ahensya ng pamahalaan upang yugyugin sila sa tungkuling ipatupad ang batas upang magkaroon ng malinis na hangin.
“Ang allowable po dito sa atin sa DOH na prescribed ay 90 microgram per cubic meters, where as doon po sa WHO it should be lower than 70 to be very very safe, para masabi nating walang tatahaking hindi magandang kalusugan ang ating mga kababayan.” Ani Lazaga.
By Len Aguirre | Kasangga Mo Ang Langit