Laya na ang apat mula sa anim na miyembro ng Piston na inaresto matapos mag protesta sa Caloocan City.
Kabilang sa mga pinalaya ng Branch 52 ng Caloocan City Metropolitan Trial Court matapos mag piyansa ng tig 3,000 sina Severino Ramos, Ramon Paloma, Ruben Baylon At Arsenio Ymas. Jr.
Samantala ipinabatid ni Caloocan City Police Chief Coronel Dario Menor na hindi naman inaprubahan ng korte ang paglaya nina Wilson Ramilia At Elmer Cordero dahil sa iba pang kinakaharap na kaso.
Sinabi ni Dario na ang 43 anyos na si Ramilia ay nahaharap sa kasong car napping samantalang estafa naman ang kinakaharap na kaso ng72 taong gulang na si Cordero.
Kailangan aniyang magtungo pa sa korte sina Ramilia at Cordero para sa ayusin ang kanilang kaso bago sila makalaya.
Ikinadismaya naman ni Bayan Secretary General Renato Reyes ang nangyari sa dalawang miyembro ng Piston lalo na si Cordero na kapangalan lamang ang isang taong nahaharap sa kasong estafa.