Nagbanta ang grupong Abu Sayyaf na kanilang tutuluyan ang 4 na bihag sa Samal Island kung mabibigo ang pamahalaan na maibigay ang P4 bilyong pisong ranson ngayong araw ang deadline na ibinigay ng mga bandido.
Kabilang sa mga nakatakdang pugutan ay ang 3 dayuhan at isang Pilipina na dinukot ng Abu Sayyaf noong Setyembre ng nakaraang taon.
Gayunman, nanindigan ang Armed Forces of the Philippines sa kanilang no ransom policy.
Iginiit ni AFP Chief of Staff General Hernando Iriberri, hindi nila papayagang may magbayad ng ransom sa Abu Sayyaf.
Sa kabila nito, tiniyak ni Iriberri puspusan ang kanilang military operations upang ligtas na mabawi ang mga bihag.
By Ralph Obina