Umaapela sa kani-kanilang mga gobyerno sa huling pagkakataon ang 3 dayuhan para ibigay na ang tig-P300 million na demand ng Abu Sayyaf kapalit ng kanilang kalayaan.
Sa video na ipinost sa Youtube, sinabi ng mga biktima na isa sa kanila ay mahaharap sa execution sa April 25 kapag hindi nabayaran ang ransom.
Ayon sa isang bandido, binalewala ng pamilya ng mga biktima, Norwegian government, Canadian government at maging ng gobyerno ng Pilipinas ang naunang babala nila na April 8 at ngayon ay ultimatum na ang inilabas nila na pupugutan ang isa sa apat na hostage sa April 25, eksakto alas-3:00 ng hapon.
Kabilang sa mga nasabing hostage ang 2 Canadian nationals, isang Norwegian at Pilipina na dinukot sa isang beach resort sa Samal Island noong September 2015.
By Judith Larino