Apat ang lumilitaw na naghahangad na maging senate president sa pagbubukas ng 17th Congress.
Ito ay sina Senador Franklin Drilon, Koko Pimentel, Tito Sotto at Allan Peter Cayetano.
Ayon kay Senador Sonny Angara, pawang kwalipikado naman ang lahat ng mga nabanggit para maging susunod na lider ng senado.
Qualified din aniya ang mga ito para maging majority floorleader, minority floorleader o kaya’y maging senate president pro-tempore dahil sila ay pawang mga senior senator.
Kasabay nito, inamin ni Angara na marami nang kumakausap sa kanya para hingin ang kanyang suporta.
By Meann Tanbio