Suportado ng apat na senador ang panukalang mandatory drug tests sa lahat ng mga halal na opisyal ng pamahalaan.
Ayon kay Senador Antonio Trillanes IV, pabor siya sa pagsasailalim sa drug test ng lahat ng mga elected officials pero dapat unahin aniya si Pangulong Rodrigo Duterte dahil tila laging itong sabog sa iligal na droga kung mag-isip at magsalita.
Iginiit naman ni Senador Joel Villanueva ang katagang public office is a public trust kaya’t nararapat lamang aniya na magpa-drug test ang mga halal na opisyal ng pamahalaan.
Sinabi naman ni Senate President Vicente Sotto III na matagal niya nang isinusulong ang mandatory drug test sa mga kumakandidato pa lamang sa isang posisyon.
Samantala binigyang diin din ni Senador Koko Pimentel na mas magiging maganda kung mapagtutuunan ng pansin ng mga awtoridad ang paghahabol sa mga sindikato at gumagawa ng iligal na droga.
—-