Sugatan ang apat na indibidwal matapos mahulog ang isang 10 wheeler truck sa gumuhong tulay sa Barangay San Isidro, Majayjay, Laguna.
Kinilala ang mga biktima na sina Jielan Benlot, 34-anyos; Noel Clemente, 43-anyos; Den Fernandez, 44-anyos at Jeffrey Primo, 29-anyos.
Ayon sa Majayjay MDRRMO, mabilis na isinugod sa Laguna Medical Center ang mga sugatang biktima para sa paunang lunas sa kanilang natamong sugat.
Sa imbestigasyon ng mga otoridad, ipinilit na idaan sa isang bakal na tulay ang naturang truck na dapat ay tanging mga pampasaherong jeep, tricycle at motorsiklo lang ang maaaring makagamit.
Dahil dito, pansamantalang lulusong sa ilog ang libo-libong redidente ng dalawang bayan para sa kanilang pang-araw araw na gawain. —sa panulat ni Angelica Doctolero