Apat katao ang isinugod sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa Tuguegarao City matapos magtamo ng mga sugat dulot ng Bagyong Florita.
Kabilang sa nasugatan ang isang 28-anyos na residente na nagtangkang iligtas ang kanyang kalabaw pero nahulog kaya’t kailangang isailalim sa operasyon.
Ayon kay Dr. Glenn Matthew Baggao, Medical Director ng nasabing pagamutan, isang sampung taong gulang naman ang nabagsakan ng puno dahil sa lakas ng hanging dala ng bagyo.
Samantala, inilikas anya ang mga pasyente sa unang palapag ng CVMC makaraang bumaha pero wala namang nasaktan sa staff ng ospital.