Patay ang 4 na sundalo habang sugatan ang 17 iba sa nangyaring engkuwentro sa pagitan ng militar at Abu Sayyaf group sa Patikul, Sulu.
Ayon kay AFP Western Mindanao Spokesperson Major Arvin Encinas, nangyari ang engkuwentro sa Sitio Logaron barangay Kan-Ague pasado 8:20 a.m. kanina.
Nagsasagawa aniya ng combat operation ang mga tauhan ng 6th Special Forces Battalion nang maka-engkwentro ang tinatayang 40 mga miyembro ng bandidong grupo.
Sinabi ni Encinas, tumagal ang bakbakan ng halos 40 minuto bago tumakas ang mga bandido sa direksyong paka-timog silangan.
Samantala, batay sa intel report ng militar, dalawang miyembro ng Abu Sayyaf ang nasawi sa bakbakan —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9).