Umabot na sa 172 empleyado ng MRT-3 ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019.
Batay ito sa isinagawang RT-PCR test ng MRT-3 sa kanilang mga empleyado.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr)-MRT-3, 166 sa mga nabanggit na empleyado ay nakatalaga sa depot habang 6 naman ang station personnels na binubuo ng 4 na ticket sellers, isang nurse, at isang train driver.
Anila, nakatalaga sa Cubao at North Avenue stations ang mga nagpositibong ticket seller habang isa sa mga ito ang reserve seller.
Sinabi naman ni Transportation spokesperson Goddess Libiran, walang exposure o hindi nakasalamuha ng mga ticket sellers sa sinumang nagpositibong depot personnel.
Dagdag ng DOTr-MRT-3, kasalukuyan nang naka-admit sa quarantine facilities ng pamahalaan sa World Trade Center, Philippine Arena at Philsport Arena ang mga nagpositibo nilang empleyado.