Hinuli ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG-Kalayaan station); Philippine Navy; at Philippine National Police-Maritime Group (PNP-MG) ang apat na 4 Vietnamese national na nahuling iligal na nangingisda sa karagatang sakop ng pag-asa island sa Kalayaan, Palawan.
Ayon sa mga otoridad, ang nahuling mga dayuhan ay naaktuhang gumagamit ng sodium cyanide na isang uri ng chemical gas na ipinagbabawal gamitin sa panghuhuli ng isda.
Sa tulong ng joint maritime law enforcement team nakumpiska ang fishing vessel na ginamit ng mga vietnamese na tinatawag na “sampan boat.”
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng PCG-District Palawan ang mga mangingisdang dayuhan na lumabag sa Sections 91 at 92 ng Republic Act No. 10654 o ang “Philippine Fisheries Code of 1998.”
Nakatakda namang isailalim sa imbestigasyon at disposisyon ang mga inaresto.