Bumagsak sa kamay ng Bureau of Immigration o BI ang apat (4) na wanted Korean nationals na nagtatago sa bansa.
Nakatakdang ideport sa Seoul South Korea ang apat na suspects upang humarap sa korte na naglabas ng kanilang warrant of arrest para sa kasong fraud at voice phishing.
Ayon sa Bureau of Immigration, maayos na naisagawa ang pag-aresto sa mga suspects na sina Ryu Sunggon, Park Kyeol, Kim Myung Ryun, at Song Jungrak sa kanilang tinitirhan sa Parañaque City.
Sa ngayon ay nakakulong na ang apat sa warden facility ng Bureau of Immigration sa Bicutan Taguig habang ina-antay ang pagpapadeport sa kanila.
By Len Aguirre