Mahigit 40 bansa at international organizations ang magpapadala ng mga delegado sa gaganaping forum ukol sa security cooperation sa Asia-Pacific region sa Beijing, China sa susunod na buwan.
Ayon kay China’s Defense Ministry Spokesperson Wu Qian, tatalakayin ng mga bansa ang mga banta sa seguridad sa Asia-Pacific Region, maritime security at gayundin ang terorismo sa rehiyon.
Bukod pa rito, pag-uusapan din sa forum ang pagtatag ng ASEAN community, Cyberspace Standards at Humanitarian Aid Cooperation.
By Jelbert Perdez