Aabot sa 40 bansa ang niluwagan na ang travel restrictions para sa mga Pilipinong byahero.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), kabilang sa mga bansang pinapayagan na ang pagpasok ng mga Pilipino ay ang Dominican Republic, Ecuador, Jamaica, Pakistan, Papua New Guinea, French Polynesia, New Macedonia, Tanzania, Zambia, Kenya at Sudan.
Samantala, pinapayagan naman sa bansang China, Taiwan, Vietnam, Marshall Islands, Sri Lanka at Guyana ang pagpasok ng mga Pilipino na dual citizens sa kanilang bansang pupuntahan, Overseas Filipino Workers (OFWs) na mayroong work visa at kontrata, diplomatic o un passport holders at opisyal ng gobyerbo na mayroong official travel.
Nasa 55 bansa naman at teritoryo ang hindi pa rin tumatanggap ng mga byaherong Pilipino.