Ibinasura ni Davao City Mayor Sara Duterte ang 40-billion coastline project na nilagdaan ng kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte ilang araw bago ito bumaba sa puwesto bilang alkalde ng naturang syudad.
Kaugnay ito sa planong reclamation project ng 214 ektarya ng Davao Gulf ng nanalong kumpanya na Mega Harbour Port and Development na pag-aari ng negosyanteng si Reghis Romero para pagtayuan ng malapad na pantalan, business establishment at maging mga government offices.
Ayon kay Inday Sara, lumabas ang desisyon matapos ang kanilang ginawang pag-aaral sa magiging implikasyon ng proyekto sa ekonomiya, pamayanan at kalikasan.
Aniya, hindi naaayon sa development at enviroment policy ng syudad ang naturang proyekto.
Sinabi pa ng alkalde na ang kanilang binigyang prayoridad dito ay ang kapakanan at ang kinabukasan ng mga Davaoeño.
By Rianne Briones