Umaabot sa apatnapung (40) bloke ng hinihinalang cocaine ang natagpuang palutang-lutang sa karagatang sakop ng Burgos sa Surigao del Norte.
Ayon sa Caraga Regional Police, namataan ng mga mangingisda ang mga cocaine sa naturang lugar dakong alas-4:30 nitong linggo ng hapon.
Nagsagawa naman ng agarang inspeksyon sa lugar ang mga tauhan ng Burgos Municipal Police makaraang ipagbigay-alam ng mga magsasaka ang tungkol dito.
Natuklasan ding may mga markang “bugatti” ang mga natagpuang cocaine na kapareho ng mga na-recover ding cocaine sa Barangay Pacifico, bayan ng San Isidro sa nasabi ring lalawigan.
Samantala, dinala sa Burgos Police Station ang mga hinihinalang cocaine at nakatakdang isailalim sa pagsusuri ng crime laboratory office.
(Ulat ni Jaymark Dagala)