Naantala ang 40 international at domestic flights ng Cebu Pacific.
Ayon kay Michelle Pojas, Manager ng Corporate Communications ng Cebu Pacific, ito ay dahil sa technical glitch na nangyari kasabay ng kanilang computer system upgrade kagabi.
Sinabi ni Pojas na dahil sa technical glitch nahirapan silang mag-deploy ng flight crew.
Batay sa report, kabilang sa mga nadamay sa pagkaka-delay ng flights, ang isang mataas na opisyal ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
By Katrina Valle | Raoul Esperas (Patrol 45)