Magsasagawa ng online mass ang pamilya ng pumanaw na dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino para sa 40 days nito.
Ayon kay dating Sen. Bam Aquino, magkakaroon sila ng 40 misa sa buong bansa sa Agosto 1 na siyang death anniversary rin ni dating Pangulong Corazon Aquino.
Dahil sa banta ng COVID-19 delta variant, online aniya ang lahat ng misa at pangungunahan ito ni Father Manoling Francisco.
Inaasahan namang magbibigay ng kaniyang mensahe si Vice President Leni Robredo pagkatapos ng misa na susundan ng candle-lighting ceremony.