Iniimbestigahan na ng epidemiology and surveillance unit ng Quezon City ang nasa 40 empleyado ng Kamara matapos na magpositibo ang mga ito sa COVID-19.
Kasunod nito, hinihingi ng QC-CESU sa Kamara ang listahan ng mga kumpirmadong covid sa kanilang tanggapan sa lalong madaling panahon.
Ayon kay Dr. Rolly Cruz, director ng QC Epidemiology Unit, pawang naninirahan sa batasan at mga karatig barangay ang mga nagpositibo kung saan kanilang inilagay ang Kamara bilang lugar ng kanilang pinagtatrabahuhan.
Ani Cruz, nahihirapan sila ngayon na tukuyin kung ilan ang kumpirmadong kaso sa kamara dahil sa pagkakabitin ng ulat mula rito.
Gayunman, kanila pang isasailalim sa masusing assessment kung ipasasara o hindi ang buong kamara dahil posibleng magkaroon dito ng outbreak ng nasabing virus.