Apatnapung (40) judges at maraming Chinese national ang kabilang sa listahang hawak ni Pangulong Rodrigo Duterte na drug protector o sangkot sa illegal drug trade sa bansa.
Ito ang inihayag kahapon ni Pangulong Duterte sa kanyang pagbisita sa mga sundalo ng 9th Infantry Division sa Camp Elias Angeles San Jose, Pili, Camarines Sur.
Muling ipinakita ng Pangulo ang narco-list na hawak nito kung saan isang pahina nito ay puro mga Chinese habang ang 40 judges ay mula sa iba’t ibang lugar.
Ayon sa Pangulo, ang listahan ay vinalidate ng Philippine Drug Enforcement Administration at National Intelligence Coordinating Agency o NICA kaya’t nakatitiyak siya sa pangalang nasa listahan.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By Drew Nacino