Isinailalim sa home quarantine ang nasa 40 indibiduwal sa Quezon City matapos magkaroon ng direktang contact sa tatlong residente sa lungsod na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Q.C. Mayor JOY BELMONTE, sumailalim na sa medical tests ang mga nabanggit na indibiduwal at ipina-quarantine muna sa kani-kanilang mga tahanan habang hinihintay pa ang resulta ng pagsusuri sa mga ito.
Ani Belmonte, natunton ang mga nabanggit na indibiduwal sa isinagawang ng contact tracing para sa tatlong pasyente na kabilang sa 34 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Samantala, sinabi ng alkalde na kanila nang pinag-aaralan ang pagsasailalim sa lockdown ng Quezon City oras na tumaas pa ang kaso ng COVID-19 sa bansa, partikular sa Metro Manila.
Paliwanag ni Belmonte, itutulad aniya ito sa ipinatupad na lockdown ng Italy, South Korea At China.