Hindi bababa sa halos 40 katao ang nasawi sa naganap na aksidente sa bansang Senegal, na bahagi ng West Africa.
Ayon sa awtoridad, nabutas ang gulong ng isa sa mga pampasaherong bus na naging dahilan upang lumihis ito sa kabilang linya ng kalsada at mabangga ang isa pang bus sa Kaffrine region, bandang alas-3:30 ng madaling araw noong linggo sa naturang bansa.
Aabot sa 78 indibidwal ang nasugatan sa aksidente, kung saan ilan sa mga ito ay malubha ang kondisyon.
Nagpaabot naman ng pakikiramay si Senegalese president Macky Sall sa pamilya ng mga biktima at nagdeklara ng tatlong araw na pagluluksa.
Nangako ang pangulo na magsasagawa ng inter-ministerial council kaugnay sa road safety.