Nasa 40 sibilyan ang patay matapos magkasagupaan ang dalawang magkaribal na mga Jihadist groups sa Bamako, Mali.
Ang labanan sa pagitang ng dalawang grupo ay naganap sa lugar ng “tatlong hangganan, na unang umusbong sa bansang Sahel noong 2013, bago kumalat sa Burkina Faso at Niger.
Kung saan, partikular na aktibo sa lugar ang Islamic State in the Greater Sahara at ang pinakamalaking Jihadist Alliance ng Sahel, ang Al-Qaeda-Aligned Gsim Group.
Nagsiklab ang labanan nang mag-anunsyo ang France at European partner nito na mag-withdraw ng kanilang mga pwersa pagkatapos ng higit sa siyam na taon na labanan ang isang Jihadist Insurgency. —sa panulat ni Kim Gomez