Nagkaisa ang apatnapung (40) labor groups para ihirit kay Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin si Special Envoy to China Ramon Tulfo.
Ito’y matapos na tawaging tamad ni Tulfo ang mga Pilipinong construction workers kumpara aniya sa mga Chinese construction workers.
Ayon sa Nagkaisa Labor Coalition, maituturing na treason o pagtataksil sa bansa ang naging pahayag ni Tulfo dahil nataon ito sa panahong mayroong diplomatic issue sa pagitan ng Pilipinas at China.
Sinabi ni Sonny Matula, Chairperson ng Koalisyon, sa halip na humingi ng paumanhin sa mga Pilipino ay pinanindigan at idinipensa pa ni Tulfo ang pagtawag niyang tamad at mabagal ang mga Pilipinong contruction workers.
Nag-ugat ang pahayag ni Tulfo matapos mabunyag na mga Chinese nationals ang mga construction workers sa ilang proyekto na pinondohan ng China sa bansa.
—-