Umabot na sa mahigit apatnapung (40) terorista ang patay sa nagpapatuloy na military operations sa bayan ng Butig sa Lanao del Sur.
Ayon kay Philippine Army 103rd Brigade Commander Col. Roseller Murillo, napatay ang naturang mga local terrorist sa pamamagitan ng 105 mm howitzer ng militar, kanyon at helicopter attacks.
Narekober naman ng mga awtoridad sa operasyon ang M-16 rifles, grenade launcher at point 50 caliber homemade sniper rifle.
Tiniyak naman ng militar na magtutuloy-tuloy ang kanilang pag-atake laban sa lokal na terorista sa Lanao del Sur hanggang sa maibalik sa normal ang sitwasyon sa lugar.
Samantala, tinatayang 20,000 katao na ang naitaboy ng giyera sa pagitan ng Islamic militants at security forces sa Lanao del Sur.
Karamihan umano sa mga apektadong residente ay mula sa bayan ng Butig kung saan nagpapatuloy pa rin ang bakbakan.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesman Colonel Noel Detoyato, sumiklab ang engkwentro noon pang gabi ng Pebrero 20 matapos atakihin ng mga rebelde ang detachment sa naturang bayan.
By Jelbert Perdez | Ralph Obina