Halos 40 na kalsada ang nananatiling sarado sa lahat ng uri ng sasakyan dahil sa Bagyong Ompong.
Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), 27 kalsada ang hindi pa madaanan mula sa Cordillera Administrative Region (CAR), apat sa Region 4, tatlo sa Region 3 at isa sa Region 1.
Sa CAR, kabilang ang Kennon Road na paakyat ng Baguio City ang sarado pa rin sa mga motorista.
Ang mga nasabing kalsada ay patuloy na sumasailalim sa clearing operation matapos masalanta ng rockslides, landslides, pagbaha at maharangan ng mga naputol na puno.
Ilan sa mga naturang road section ay isinara dahil sa road slip, eroded bridge approach at mga tumumbang poste ng kuryente.