Diniskuwalipika ng Comelec ang 40 kandidato sa pagka-senador.
Ito ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez ay maaari pang madagdagan dahil naka apela pa ang ilan dito.
Sinabi ni Jimenez na karamihan sa mga disqualified ay mga nuisance o panggulong kandidato lamang.
Pangunahin aniya nilang tinitingnan sa kanilang ginawang evaluation ang kakayahan ng kandidato sa national position tulad ng senador ang magsagawa ng nationwide campaign.
Tumanggi naman si Jimenez na ibunyag ang mga disqualified senatoriables.
Sa ikatlong linggo ng Enero ilalabas ng Comelec ang opisyal na listahan ng ma kandidato sa pagka senador na susundan naman nang pag-imprenta sa mga balota.
Sa kabuuang ay nasa isandaan at limamput dalawang indibidwal ang nagsumite ng kanlang certificate of candidacy (COC) kabilang ang labing apat na kasalukuyan at mga dating senador na maglalaban laban sa 12 senate seats.