Umabot na sa 510 Health workers ng Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium o Tala Hospital sa Caloocan City ang naka-home quarantine dahil sa COVID-19.
Ayon kay Tala Hospital Medical Director, Dr. Alfonso Famara, ang nasabing bilang ay mula sa mahigit 1.3K health workers at personnel ng nasabing pagamutan.
Nakatanggap na aniya sila ng Augmentation personnels kaya’t hindi nababalam ang operasyon ng ospital.
Ang Rodriguez Memorial ay isang COVID-19 referral hospital kaya’t prayoridad nito ang COVID cases na severe o critical o may comorbidities, matatanda at high-risk pregnant women.