40% ng mga Filipino ang nagsabing lumala ang kanilang pamumuhay noong huling bahagi ng taong 2021.
Batay ito sa isinagawang fourth quarter survey ng Social Weather Stations (SWS) noong December 12 hanggang 16 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,440 adults sa buong bansa.
Ayon sa SWS, 24% ang nagsabing umayos ang kanilang pamumuhay habang 36 percent ang nagsabing wala namang pinagbago.
Ang fourth-quarter survey results noong isang taon ay mataas ng 28 points kumpara sa negative 44 noong ikatlong bahagi ng 2021.
Gayunman, mababa pa rin ito ng 34 points kumpara sa pre-pandemic level na very high na positive 18 noong huling quarter ng taong 2019.