Apatnapung porsiyento lamang ng mga jeepney sa National Capital Region ang nakapag-consolidate sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program ng pamahalaan.
Ayon kay Department of Transportation – Office of Transportation Cooperatives Chairperson Jesus Ferdinand Ortega, inihahanda pa lamang ng LTFRB ang pinal na bilang ng mga nakapag-consolidate.
Humigit-kumulang 70% aniya ang kabuuang consolidated jeepneys sa bansa, ngunit 40% lang ang inabot ng consolidated jeepneys sa Metro Manila o National Capital Region.
Matatandaang noong a-trenta’y uno ng Disyembre nang opisyal na natapos ang aplikasyon para sa franchise consolidation ng PUV Modernization Program. - sa panulat ni Laica Cuevas